Pages

Monday, July 20, 2009

noise

20 July 2009- Nag nonoise barrage na naman ang mga Lasalista. Sigaw nila, "No to Con-Ass(or Charter Change yata)!" Sabi pa nila, "patalsikin si Gloria Macapagal Arroyo!" Ewan ko ba kung bakit ayaw nila sa con-ass o cha cha. Tingin ko okay nga yun eh.. at least, kahit pano may mag babago, di ba? Pag babago lang din naman ang hanap nila.

Habang nagsisisigaw sila sa Taft Ave. nagbabaga naman ang mga ulo ng mga drayber at komutista. Perwisyo lang ang naidulot ng noise barrage nila.. Pati nga sa Adriatico st. grabe trapik. kungsabagay, baka talagang intensyon nilang mangyari yun. Kasi dahil sa perwisyo na dulot nito sa trapiko ay naaasar ang mga drayber at sa pagkabuwisit nila ay bubusina na lang sila ng bubusina. Ayos di ba? Kahit di sila sabihan ng mga raliyista eh nakakacontribute sila sa ingay ng noise barrage.